Mag-inang Sylvia at Ria, may sarili nang beauty clinic sa Butuan

Ni: Rohn Romulo

NASAKSIHAN namin last Sunday, June 10, ang bongga at very successful na opening ng sariling beauty clinic ng mag-inang aktres na sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde.
Ito ang sikat nang Skin & Beyond by Beautederm, na matatagpuan sa sa Lifescale Building J.C. Aquino Avenue sa Butuan City.

Sobrang happy sina Sylvia at Ria dahil nakakuha sila nang masisipag na business partner na taga-Butuan na sina Agnes Cecilia Carballo, Feli Gravador, Primy Anne Magno at Dia Nicole Magno, kaya kampante sila sa tatakbuhin ng kanilang bagong tayong negosyo.

Sandali naming nakausap ang mabait at parang artista na rin na Chief Executive Officer at Presidente ng Beautederm na si Miss Rei Ramos Anicoche-Tan, na sobrang happy rin sa bagong dagdag na store na pang-20 na pala.

skin3

Inamin din ni Ms. Rei na wala pa sa plano niya ang magpa-franchise ng Skin & Beyond by Beautederm, dahil ayaw niyang every month ay matatanggap siyang royalty sa bawat store na ipa-franchise.

Happy na raw siya sa kikitain niya sa mga products na isu-supply niya sa bawat store.
At sa bagong tayong Butuan branch sina Sylvia talaga ang owner at sole distributor ng buong Caraga Region, kaya may siguradong market na sila.

Ayon pa kay Ms. Rei marami pa silang bubuksan na Beautederm clinic sa buong bansa, kaya tiyak na ipu-push nila na maabot ang target na 30 stores sa taong ito.

Maganda ang design ng store at ayon kay Ibyang, nakatipid daw sila dahil arkitekto ang isa sa partners nila at high-end ang dating, kaya tiyak na matutuwa ang mga customers sa pagpasok sa clinic pero affordable naman at effective kanilang mga beauty products.
At dahil grand opening nga last Sunday, may promo sila na “buy one-take one” para sa selected beauty products at kasama ang colognes na ini-endorse ni Arjo Atayde na Alpha, Radix at Dawn, na nakatutuwang nag-sold out lahat kaya ang ending hindi na nakabili yun iba.

skin2

Pero happy pa rin ang mga pumila, dahil kapag nag-purchase ng halagang P1,000, puwede ka nang magpa-picture sa mga ambassadors ang Beautederm na sina Sylvia, Arjo, Carlo Aquino, Matt Evans, Maricel Morales, Shyr Valdez, Alma Concepcion, Jaycee Parker, Rochelle Barrameda na pawang nagbigay ng kani-kanilang song numbers na ikinatuwa ng mga dumalo sa opening.

Nakisaya din sa opening day ang mga malalapit na kaibigan nina Ibyang na si Darla Sauler at si Smokey Manaloto na nagsilbing isa sa host ng event.

After nang matagumpay na opening ng Skin & Beyond by Beautederm, hindi makapaniwala ang mga owners na dinumog sila ng mga customers at halos naubos talaga ang naka-display sa cabinet, kaya malaki-laki ang kanilang naging benta sa unang araw.

At kinabukasan, may mga nabenta rin silang products, kaya maganda itong panimula sa kanilang negosyo na hindi lang marami ang mapagaganda pero tiyak na mas maraming matutulungan at mababago ang buhay sa Caraga Region.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s