Heart, tulala pa rin at ‘di matanggap ang nangyari sa anak nila ni Sen. Chiz

Ni: Jimi Escala

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nakaka-recover ang aktres na si Heart Evangelista sa nangyaring miscarriage sa magiging panganay sana nila ni Senador Chiz Escudero.

Ito ay ayon sa isang nakakuwentuhan naming isa sa empleyado ng isang Senador na nagkataong kaibigang matalik ng isa sa pinagkatiwalang staff ng asawa ni Heart.

Banggit pa ng source namin na kasalukuyang namamahinga lang daw sa bahay nila si Heart na parang tulala pa rin at hindi pa rin natanggap ang nangyari. May pagkakataon pa nga raw ayon sa source namin na umiiyak pa rin ang aktres, huh!

Dagdag pa rin ng kausap namin na dahil daw naka-break ngayon ang Senado kung kaya madalas daw na nasa tabi lang ni Heart ang asawang senador. Mismong si Sen. Chiz pa nga raw ang kasa kasama ng kapuso aktres sas tuwing pumupunta sa doctor ang huli para sa regular check up nito.

Aware din daw naman si Heart na hinihintay na siya ng GMA network dahil may mga commitment na ang aktres na medyo kailangan na niyang harapin. Supposed to be pa nga raw ay may contract signing ang aktres pero tumanggi raw si Heart.

Nag-alala naman daw ang mga malalapit kay Heart sa kalagayan nito ngayon. Mahirap daw kasi baka mauuwe sa depression ang kasalukuyang naramdaman ng kapuso aktres.
Sa ngayon ayon pa rin sa nakausap daw ng source namin ay pinagbawalan daw mismo ni Sen. Chiz ang mga kasamahan sa bahay nila na pag-usapan ang anumang negatibong mga komento hinggil sa nangyari.

Lahad pa rin ng source namin na sa takbo raw ng pangyayari ay mukhang matatagalan pa raw bago maging aktibo muli ang isang Heart Evanglista sa showbiz, huh!

 

One thought on “Heart, tulala pa rin at ‘di matanggap ang nangyari sa anak nila ni Sen. Chiz

  1. Let her parents forgive them iyon na ang dapat gawin nina Heart para magtuloy tuloy na ang kanyang pregnancy na napupunta sa wala. Ganon kasi parang sumpa dahil galit ang mga magulang try the HEART to heart talk Heart and Chiz 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s