Alden, walang reklamo kahit masugatan o magkadulas-dulas sa taping ng ‘Victor Magtanggol’

By: Nora V. Calderon

NAG-RELEASE na ang GMA Network ng ilang scenes ni Pambansang Bae Alden Richards para sa pinakabago niyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol.

Todo action talaga si Alden na ang mga eksena ay kinunan sa isang palengke sa Manila.  Doon nakipaglaban siya sa mga nang-aapi sa mga tindero sa palengke.

Wala ngang reklamo si Alden sa mga ipinagagawa sa kanya kahit masugatan o magkadulas-dulas sa maruming lapag ng palengke.

victor magtanggol

Like noong Wednesday, na halos wala siyang tulog galing sa Talisay City sa Cebu na nag-attend siya ng flag-raising ceremony with the government officials sa Lapu-Lapu City kaugnay ng 120th Philippine Independence Day Celeration, kaya 2:00 AM pa lamang lumipad na sila ng Cebu.

Hindi roon natapos ang araw ni Alden dahil at 5:00 PM may show pa siya sa South Town Centre sa Talisay, na dinaluhan ng more than 7,000 people.  Nag-post si Alden sa kanyang Instagram story at 1:04 AM na home na siya.  After pala ng show bumalik na rin siya ng Manila dahil may taping siya ng VM nang araw na iyon.

May sipon pa rin at ubo si Alden pero tuloy pa rin ang taping.  Nahinto na lamang sila nang hindi na sila makapag-take dahil sa malakas ng ulan at nakukuha ng sound ang bagsak ng ulan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s