Sunshine Cruz, masaya sa kanyang role sa Kapuso Network kahit na may kontobersyal na kinahaharap

throy Catan

NI: Throy Catan

sunshine-cruz2

 

LAST week, maraming kontrobersya ang nakakabit kay Sunshine Cruz. Isa na rito ang pagdawit ng kanyang dating asawa na si Cesar Montano tungkol sa korapsyon na nangyayari sa Department of Tourism.

Sey niya, “Natatawa nga ako kasi these people are now even questioning the food we eat and even the clothes my children wear because of a person who we/they don’t get to see anymore… Masakit ‘yun, lalo para sa isang inang tulad ko, but I told my kids not to be ashamed or embarrassed at all, kasi ang pagkain at damit nila, ultimo sasakyang ginagamit nila, I’m the one who provide for them. Mula 2013 nagawa kong magtrabaho at buhayin ang mga anak ko sa maayos na paraan at sa pagtatrabaho ko bilang artista.”

Naging usapan din ang pag-involve niya sa Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya. Ayon kay Shine, ilang buwan na niyang kinakausap ang si Dupaya na ibalik ang kanyang pera, “For the record. I tried to talk to her about getting my money back privately for months, but it did not work. That’s why I coursed it through my lawyers na lang.”

Binanggit din niya na naging matalik silang magkaibigan before pa ang kontobersya na ito, “She was a friend and I trusted her. I got into business with her, invested money for about two years for additional income since I am a single mom. I’ve been wanting to get my principal money back but she couldn’t deliver. Dun tayo sa totoo. Be fair. Let the courts decide,” Duktong pa ni Sunshine.

Kathelyn Dupaya

Kahit marami nang nangyaring misfortune, tuloy pa rin sa pagtatrabaho ni Sunshine Cruz sa kanyang bagong teleserye sa Kapuso network na Kapag Nahati ang Puso kasama sina Bea Binene at Benjamin Alves. “Nagpapasalamat talaga ako dahil classy ang character na ginagampanan ko rito… Sa soaps ko with ABS-CBN, lagi akong inaaping ina, mukhang losyang, laging umiiyak. But this time, sosyal ang role ko, fashionista at laging naka-high heels, so ibang-iba.” Sabi ni Shine.

Ilang teleserye na rin ang nagawa ni Shine sa ABS-CBN. Isa na rin dito ang top seryeng WildflowerDolce Amore at Maalaala Mo Kaya. Ngunit masaya pa rin siya na nakabalik muli sa una niyang tahanan, and GMA, “It’s nice. Parang homecoming kasi dito naman ako nagsimula talaga sa That’s Entertainment and GMA Supershow of the late Kuya Germs. And I really feel blessed and thankful sa magandang role na ibinigay nila sa’kin ngayon.” Deklara pa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s