Nakikigaya raw sa pagpo-post ni Maine ng sexy photos…Alden, bina-bash ng ilang fans sa mismong IG account niya

Ni: Ricky Calderon

Alden-Richards

Mahirap talaga pag sikat ang isang tao kasi konting galaw ay hinahanapan nang butas o kaya nang pagkakataon para siraan. Ganyan na naman ang nangyari kay Alden Richards.

Grabe naman kung makapang-bash ang ibang fans ni Maine Mendoza. Tinitira nila ang sexy picture ni Alden na inilagay ng actor sa kanyang Instagram account titled @Almost There. At ang nakaloloka, dun pa mismo sa IG account nila bina-bash ang aktor.
Gusto lang naman ipakita ni Alden ang progress nang kanyang workout kaya nag-post ito ng picture na malapit na niyang ma-achieve na mabawasan ang kanyang mga fat sa katawan.

View this post on Instagram

Almost…

A post shared by Alden Richards⚡️ (@aldenrichards02) on

May fan nagki-claim na throwback pix iyon ni Alden samantalang latest post iyon ng actor. May nagsabi rin na nakikigaya raw si Alden sa pagpo-post ni Maine ng sexy photos.

Pagtatanggol naman ng isang Alden fan, bakit ayaw maniwala ng basher eh may taga-Dakak na nakakita mismo kay Alden at nagpatunay na maganda nga ang physique ng actor ngayon. Sa Dakak nag-spend ng Holy Week si Alden with his family.

Bakit naman makikipagkumpetensiya si Alden kay Maine sa pagpo-post ng photo sa Instagram? Lahat naman tayo ay may karapatan na mag-post ng photo sa ating Instagram account?

Mabuti na lang at hindi pinapansin ni Alden ang mga bashers. Nang tignan namin ang photo ni Alden, mayroon na itong 133,799 views at 5272 comments. Sabi nga ng isang comment, pinainit lalo ni Alden ang summer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s